Ekonomiya malulumpo uli sa impeachment Revilla
July 4, 2006 | 12:00am
Tinukoy kahapon ni Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr. na ang bansa ang lubhang maaapektuhan ng multiple impeachment complaint na isinampa laban kay Pangulong Arroyo ng ibat ibang grupo.
Ayon kay Sen. Revilla, hindi naman ang Pangulo ang lubhang naaapektuhan ng pagsasampa ng impeachment case kundi ang ekonomiya ng bansa.
Aniya, noong maghain ng unang impeachment complaint laban kay PGMA ay umabot sa P56.44 ang palitan ng piso sa dolyar gayundin ang pagbagsak ng ating stock market dahil sa naging wait and see attitude ng mga negosyante.
Ipinaliwanag pa ni Revilla, matapos malampasan ng Pangulo ang unang impeachment complaint ay nagsagawa agad ng mga programang pang-ekonomiya si PGMA hanggang sa makabangon tayo at narating ang P51.43 palitan ng piso kontra dolyar noong Pebrero 10, 2006.
"It is only frustrating that just about when the country is slowly moving forward again, some camps have seemingly made it a point to drive the country backward," dagdag pa ng mambabatas.
Ikinalulungkot din ni Revilla na ginagamit ng ilang pulitiko ang impechment issue upang maisulong ang kanilang pampulitikang ambisyon habang nalalapit na ang May 2007 elections.
"The President was never given a chance to fully implement her programs for the Philippines and our people. Even before day one, some camps have already resolved to make sure she never succeeds," dagdag pa ni Revilla. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
4 hours ago
Recommended