Comm. Borra isinakripisyo ng Ombudsman
July 2, 2006 | 12:00am
Naniniwala ang oposisyon na isinakripisyo lamang ng Ombudsman si Comelec Commissioner Ressureccion Borra upang mailigtas sa kaso si Chairman Benjamin Abalos kaugnay ng P1.2 bilyong anomalya sa automated counting machines.
Ayon kay Senate Minority Leader Aquilino Pimentel, Jr., initsapuwera si Abalos dahil sa malaki ang kanyang naging papel upang manalo si Pangulong Arroyo noong 2004 presidential elections.
Kamakalawa ay inirekomenda ni Ombudsman Merceditas Gutierrez na ma-impeach at kasuhan ng graft si Borra at lima katao pang miyembro ng bids and awards committee dahil sa pagkakasangkot sa anomalya sa poll modernization program.
Napilitan ang Ombudsman na ilabas ang kanilang rekomendasyon matapos na utusan sila ng Supreme Court na ilabas ang resulta ng isinagawang imbestigasyon sa naturang kaso. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended