LP makikipag-alyansa sa NP
July 1, 2006 | 12:00am
Tapos na ang tradisyunal na pagtutunggali ng Liberal Party at Nacionalista Party para sa kanilang party platform matapos ihayag ni outgoing Senate President Franklin Drilon ang posibleng pakikipag-alyansa nito sa Nacionalista Party sa ilalim ng pamumuno ni incoming Senate President Manuel Villar matapos itong unang ipanukala ni LP chairman Sen. Francis Pangilinan upang magsilbing "third force" sa kasalukuyang pulitika sa bansa.
Sa panig naman ni Sen. Ralph Recto, miyembro ng NP, ang posibleng coalition ng NP at LP ay lalong magpapalakas sa kanilang senatorial ticket, congressional at local line-ups sa 2007 elections.
Sina Villar at Recto, ng NP at Pangilinan, ng LP kasama si Sen. Joker Arroyo sa Wednesday Group ay pawang mga re-electionists sa darating na senatorial elections.
Unang sinabi ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel, Jr., pangulo ng PDP-Laban na humiwalay na ng pormal sa Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) na hindi nakakabuti ang pagkakaroon ng mga koalisyon dahil nawawala na ang talagang prinsipyo at plataporma ng bawat partido na dapat maging giya ng mga botante upang mamili ng kanilang iboboto sa halalan. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest