^

Bansa

Oposisyon dapat may puwesto sa Comelec para maalis ang duda ng dayaan

-
Iminungkahi ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel, Jr. na dapat ibigay sa oposisyon ang ika-pitong miyembro ng Comelec para mapawi ang pangamba ng taumbayan na magkaroon ng dayaan sa 2007 elections.

Ang mungkahi ay kasunod ng pagtanggi ni Comelec Chairman Benjamin Abalos na magbitiw sa kanyang puwesto.

Ipinaliwanag ni Pimentel na hanggat nananatili sa Comelec si Abalos ay hindi mawawala ang duda ng taumbayan na muling magkaroon ng dayaan sa darating na eleksiyon dahil si Abalos ay pinaniniwalaang nakipagsabwatan sa Malacañang at kay dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano.

Ani Pimentel, dapat na italaga ang isang kinatawan ng oposisyon para manumbalik ang kredibilidad ng Comelec na nawala noong panahon ng Hello Garci tape.

Wika pa nito, maging ang rekomendasyon ni retired Chief Justice Hilario Davide bilang presidential adviser on electoral reforms na balasahin ang Comelec ay hindi pa rin ipinatutupad ng Palasyo at kung walang makitang reporma ay mananatili ang duda na magkakaroon ng dayaan.

Noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, itinalaga nito si Ramon Felipe batay sa rekomendasyon ng oposisyon kung saan nagbunga ito ng 50 kasapi ng oposisyon para maluklok sa Batasang Pambansa noong 1984. (Rudy Andal)

vuukle comment

ABALOS

ANI PIMENTEL

BATASANG PAMBANSA

CHIEF JUSTICE HILARIO DAVIDE

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

COMELEC COMMISSIONER VIRGILIO GARCILLANO

HELLO GARCI

PANGULONG FERDINAND MARCOS

RAMON FELIPE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with