^

Bansa

Pagtestigo ni Erap sa plunder tapos na

-
Tinapos na kahapon ng mga government prosecutors ang cross-examination kay dating Pangulong Joseph Estrada matapos silang pagalitan ng korte dahil sa patuloy na paggigiit na ipalabas ang isang video tape na magpapatunay umano na nagsisinungaling ang dating pangulo.

Sinabi ni Special Prosecutor Dennis Villaignacio na kuntento na ang prosecutor sa naging testimonya ni Estrada matapos nitong aminin na siya si Jose Velarde at mayroon siyang bank accounts na naglalaman ng milyun-milyong deposito na hindi niya naisama sa kanyang statement of assets, liabilities and networth.

Sa pagsisimula ng hearing, hiniling ni Villaignacio sa korte na i-play ang isang video kung saan makikita umano ang ginagawang paglagda ni Estrada sa isang kontrata sa Industries Metalorgicas Pescarmona Sociedad Anonima (IMPSA) upang i-rehabilitate ang isang power plant sa Laguna.Pero hindi ito pinagbigyan ng korte dahil "irrelevant" umano sa kaso ang mosyon at hindi ito kasama sa charge sheet.

Nais patunayan ni Villaignacio na nagsinungaling si Estrada nang sabihin nito sa korte na hindi siya lumagda sa kontrata na nagbibigay ng sovereign guarantee sa anumang pribadong kompanya.

Naniniwala si Estrada na ang maagang pagtatapos ng cross-examination ay nagpapakita na mahina ang kasong inihain laban sa kanya ng gobyerno.

Samantala, pinayagan ng Sandiganbayan si Sen. Jinggoy Estrada na makapagbiyahe sa Amerika sa susunod na linggo. Bilang chairman ng committee on labor, magsasagawa si Jinggoy ng consultative meetings sa mga Pinoy sa San Francisco, California. (Malou Escudero)

vuukle comment

AMERIKA

BILANG

INDUSTRIES METALORGICAS PESCARMONA SOCIEDAD ANONIMA

JINGGOY ESTRADA

JOSE VELARDE

MALOU ESCUDERO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SAN FRANCISCO

SPECIAL PROSECUTOR DENNIS VILLAIGNACIO

VILLAIGNACIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with