5 hukom kinastigo ng SC dahil sa pusoy, kabit
June 28, 2006 | 12:00am
Pinarusahan ng Korte Suprema ang limang hukom sa Baguio City Regional Trial Court dahil sa ibat ibang pagkakasala kabilang na ang paglalaro ng pusoy sa loob ng korte at pagkakaroon ng kabit at anak sa ibang babae.
Sa limang pinarusahang hukom, si Judge Clarence Villanueva ng Baguio RTC branch 7 ang nakalasap ng pinakamabigat na parusa nang tuluyan na siyang sibakin sa pagiging huwes.
Itoy makaraang madiskubre ng SC na bukod sa kanyang asawa ay mayroon pa itong ibang asawa kung saan nagkaroon pa siya ng dalawang anak.
Sa per curiam decision ng SC en banc, isang seryosong paglabag ang pagiging imoral at hindi na nararapat na manatili pa sa pagiging hukom ang mga nagkakasala nito.
Pinagmulta naman ng SC ang mga hukom na sina Abraham Borreta ng branch 59, Amado Caguioa ng branch 4 at Antonio Esteves ng branch 7 dahil sa paglalaro ng pusoy sa loob ng court premises.
Dagdag na P10,000 multa naman ang ipinataw kay Caguioa matapos ipaubaya nito sa isang clerk o court stenographer na hindi abogado ang pangangasiwa sa ex-parte hearing.
Ang parusa laban sa apat ay base sa reklamo ng kapwa huwes na si Judge Ruben Ayson ng Baguio RTC branch 6 na isinampa nito noong 2002.
Kasabay nito, pinagmumulta naman ng SC si Judge Antonio Reyes ng P30,000 dahil sa pagtanggap ng mga libreng accommodation sa Baguio City kahit may naka-pending na kaso sa kanyang sala ang mga miyembro ng board of directors ng nasabing club.
Ang reklamo ay inihain naman ng negosyanteng si Ramon Ilusorio na kalaban sa kaso ng Baguio City Country Club. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am