^

Bansa

Boracay unti-unting lumulubog sa dagat

-
Unti-unti na umanong lumulubog sa karagatan ang world class tourist destination na isla ng Boracay dahil sa hindi makontrol na pagtatayo ng mga gusali sa resort na hindi isinusunod sa batas at kakulangan ng maayos na "drainage system," ayon sa ulat ng Philippine Tourism Authority (PTA).

Sinabi ni PTA general manager Robert Dean Barbers na naging pangunahing problema na ng Boracay ang pagbabaha sa mga mababang lugar sa isla. Resulta umano ito sa hindi pagtalima ng mga negosyante sa "building code" at mga ordinansa sa pagtatayo ng mga hotel at mga resort.

Sinasabing malapit na umanong maging kritikal ang sitwasyon ng pagbabaha sa Boracay kung saan malaking bahagi ng isla ang maaaring maging bahagi ng dagat kung hindi agad maaksyunan ang sistema sa drainage.

Nabatid na ibinigay ni Pangulong Arroyo sa PTA ang pamamahala sa Boracay sa bisa ng Memorandum Order no.214 at Presidential Decree no.564.

Sa ilalim ng naturang mga kautusan, pamamahalaan ng PTA ang regulasyon ng mga gusali, kalidad ng mga hotel at resort at pagdedevelop ng mga "historical, cultural at natural assets" ng Boracay.

Bukod sa pagbabaha, ilan pang pangunahing problema na lulutasin ng PTA ang unti-unting pagdumi ng tubig sa karagatan, prostitusyon, at tambak na mga basura sa ilang bahagi ng isla. (Danilo Garcia)

BORACAY

BUKOD

DANILO GARCIA

MEMORANDUM ORDER

NABATID

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE TOURISM AUTHORITY

PRESIDENTIAL DECREE

ROBERT DEAN BARBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with