At upang masigurado na sila ang mauuna sa paghahain, nagsimula ng mag-vigil kahapon ng hapon ang ilang miyembro ng oposisyon kasama ang mga tatayong complai-nant sa kaso sa loob ng Batasan complex.
Inaasahang ihahain ang ikalawang reklamo laban kay Arroyo sa ika-8 ng umaga sa tanggapan ni House secretary general Roberto Nazareno.
Sina House Minority Leader Francis Escudero at San Juan Rep. Ronaldo Zamora ang tatayong endorsers ng reklamo. Ipinaliwanag ni Escudero na hindi na sila nagsama pa ng ibang endorsers upang hindi "magapang" ng Malacañang ang mga ito at hindi bumaliktad.
Kailangang makakuha ng 79 lagda ng kongresista ang oposisyon upang mas mapabilis ang pag-akyat nito sa Senado na tatayong impeachment court.
Ang mga miyembro ng House committee on justice ang bubusisi sa reklamo at titingnan kung mayroon itong sapat na substansiya (sufficient in substance) at nasa ta-mang porma (sufficient in form).
Kabilang sa mga ikinaso sa Pangulo ang graft and corruption, culpable violation of the Constitu-tion at betrayal of public trust. Dagdag rin sa kaso ang EO 464 at PP 1017. (Malou Escudero)