Ayon kay Cesar Domingo ng PAG-ASA, si Domeng ay namataan bandang tanghali kahapon sa layong 220-km ng east south eastern ng Samar at may lakas ng hanging 55 kilometro bawat oras.
Si Domeng ay kumikilos sa direksiyon ng west north west sa bilis na 11 kilometro bawat oras.
Nakataas ang signal no.1 sa Masbate, Sorsogon, Albay, Catanduanes at Burias island gayundin sa Visayas partikular sa Samar, Leyte at Biliran island.
Samantala, inulat din ng Phivolcs na sa nakalipas na 24 oras na monitoring sa Bulusan, 4 na mahihinang volcanic quakes ang naitala at humina na rin ang pagluwa ng sulfuric dioxide.
Ayon pa sa Phivolcs, inilipat pansamantala ang kanilang kagamitan at pasilidad sa paligid ng Mt. Mayon matapos maitala ang pag-aalboroto nito at makakita ng baga sa crater ng naturang bulkan.
Patuloy pa ring pinaiiral ang 4-km danger zone sa paligid ng Bulusan at 6-km danger zone sa Mayon. Alert level 2 naman sa Bulusan at alert level 1 sa Mayon sa kasalukuyan. (Angie dela Cruz)