Baguio inulan ng yelo
June 25, 2006 | 12:00am
Umulan ng yelo sa ilang bahagi ng Baguio City kamakalawa ng hapon.
Sa report ni Mr. Ben Labilad, director ng DOST regional office Cordillera Administrative region, may 4 na minuto ang naganap na pag-ulan ng yelo sa mga lugar ng Loacan airport hanggang convention center, John Hay at kalapit lugar nito.
Sinabi ni Labilad na wala namang epektong idinulot ito sa mga tao gayunman, maaaring puminsala ito sa mga halaman at gulay sa mga pataniman sa Baguio City dahil mabubutas ang mga dahon nito.
Hinala ni Labilad, ang pag-ulan ng yelo sa nabanggit na lugar ay epekto ng pagbabago ng panahon mula summer season papuntang rainy season.
Sinabi pa nito na hindi na kasing lamig ang panahon ngayon kaysa noon sa Baguio City dahilan na rin sa epekto sa kapaligiran ng global warming at pagkawala ng halos kalahati ng dami ng mga puno sa naturang lalawigan. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended