Sinabi ni Echiverri na sa pamamagitan ng resolusyon ay patuloy na makakamit ng lungsod ang mga itinalagang development goals, objectives at target ng kasalukuyang administrasyon sa ilalim ng "Reform Caloocan Program."
Sa ilalim ng programa ay maipagpapatuloy ng lokal na pamahalaan ang paggawa ng mas maraming kalsada at tulay; mapauunlad ang hospital at health services; mas mapalilinis ang lungsod; madadagdagan ang social services, livelihood at housing program; mas marami ang oportunidad upang kumita; mapauunlad ang paglaban sa krimen; mapabubuti ang sistema sa patubig; maipapatayo ang eco-park, zoo at planetarium; mas maraming maitatayong gusali ng paaralan at day-care centers, streetlights, sports center at covered courts; at mapabubuti ang sistema sa University of Caloocan.
Pinaboran ng lahat ng miyembro ng Caloocan City Development Council ang resolusyon sa isinagawang general assembly na pinangunahan ni Echiverri.