^

Bansa

‘Reform Caloocan Program’ pinalawig

-
Ipinahayag kahapon ni Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri ang pag-apruba sa resolusyon na nagpapahaba sa implementasyon ng 2000-2005 Medium-Term Development Plan ng lungsod hanggang 2006-2007.

Sinabi ni Echiverri na sa pamamagitan ng resolusyon ay patuloy na makakamit ng lungsod ang mga itinalagang development goals, objectives at target ng kasalukuyang administrasyon sa ilalim ng "Reform Caloocan Program."

Sa ilalim ng programa ay maipagpapatuloy ng lokal na pamahalaan ang paggawa ng mas maraming kalsada at tulay; mapauunlad ang hospital at health services; mas mapalilinis ang lungsod; madadagdagan ang social services, livelihood at housing program; mas marami ang oportunidad upang kumita; mapauunlad ang paglaban sa krimen; mapabubuti ang sistema sa patubig; maipapatayo ang eco-park, zoo at planetarium; mas maraming maitatayong gusali ng paaralan at day-care centers, streetlights, sports center at covered courts; at mapabubuti ang sistema sa University of Caloocan.

Pinaboran ng lahat ng miyembro ng Caloocan City Development Council ang resolusyon sa isinagawang general assembly na pinangunahan ni Echiverri.

CALOOCAN CITY DEVELOPMENT COUNCIL

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

ECHIVERRI

IPINAHAYAG

MEDIUM-TERM DEVELOPMENT PLAN

PINABORAN

RECOM

REFORM CALOOCAN PROGRAM

SINABI

UNIVERSITY OF CALOOCAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with