Ayon kay Jesuit priest Fr. Romeo Intengan, isa sa ma founding leaders ng Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP), maliban sa mga negosyante, karamihan sa mga lokal na opisyal ay nagbabayad sa mga NPA upang hindi makapaghasik ng kaguluhan ang mga rebelde sa kanilang lugar at upang hindi sila maging target ng mga pamamaslang.
Tulad na lamang anya ng mga alkalde sa mga lalawigan ng Cordillera Autonomous Region (CAR) na puwersahang nagbibigay ng "buwis" upang hindi sila guluhin ng mga rebelde. Gayundin ang mga opisyal sa Southern Mindanao ay ginigipit din ng mga rebelde habang dalawang mayor din na kaanib ng PDSP sa Agusan del Sur ay nakakatanggap na ng mga pagbabanta sa buhay dahil ayaw magbigay ng "revolutionary tax."
Sinabi rin ng pari na dahil sa mga pangingikil na ito ng NPA ay lalong naghihirap ang mga kanayunan dahil ang budget na para sana sa mga develoment projects ay napupunta sa mga rebelde.