^

Bansa

Extortion ng mga rebelde, sanhi rin ng paghihirap ng bansa – PDSP

-
Tila kasali sa bina-budget ng mga lokal na pamahalaan ang ang "revolutionary "tax" ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) kung saan isa na itong "standard operating procedure" sa ilang probinsiya.

Ayon kay Jesuit priest Fr. Romeo Intengan, isa sa ma founding leaders ng Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP), maliban sa mga negosyante, karamihan sa mga lokal na opisyal ay nagbabayad sa mga NPA upang hindi makapaghasik ng kaguluhan ang mga rebelde sa kanilang lugar at upang hindi sila maging target ng mga pamamaslang.

Tulad na lamang anya ng mga alkalde sa mga lalawigan ng Cordillera Autonomous Region (CAR) na puwersahang nagbibigay ng "buwis" upang hindi sila guluhin ng mga rebelde. Gayundin ang mga opisyal sa Southern Mindanao ay ginigipit din ng mga rebelde habang dalawang mayor din na kaanib ng PDSP sa Agusan del Sur ay nakakatanggap na ng mga pagbabanta sa buhay dahil ayaw magbigay ng "revolutionary tax."

Sinabi rin ng pari na dahil sa mga pangingikil na ito ng NPA ay lalong naghihirap ang mga kanayunan dahil ang budget na para sana sa mga develoment projects ay napupunta sa mga rebelde.

AGUSAN

AYON

CORDILLERA AUTONOMOUS REGION

GAYUNDIN

NEW PEOPLE

PARTIDO DEMOKRATIKO SOSYALISTA

ROMEO INTENGAN

SOUTHERN MINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with