Marine Col. na nasangkot sa standoff inilipat sa Tawi-Tawi

Isang Marine Batallion commander na nasang-kot sa kontrobersiyal na standoff sa Phil. Marines sa Fort Bonifacio headquarters ang inilipat ng destino sa Tawi-Tawi.

Ang paglilipat kay 2nd Marine Battalion Com-mander Lt. Col. Achilles Segumalian ay kinumpirma kahapon ni Navy Chief Vice Admiral Mateo Mayuga sa ginanap na pagdiriwang ng ika-108 taong anibersaryo ng hukbong dagat kahapon.

Kung matatandaan, nitong Pebrero 26 ay nagkaroon ng standoff sa Marines headquarters matapos sibakin si Marine Commandant Major Gen. Renato Miranda. Nag-alburoto naman si Col. Ariel Querubin, commander ng 1st Marine Brigade at kilalang malapit kay Miranda.

Kasunod nito ay nanawagan si Querubin ng suporta sa mga kasamahan nila sa militar at taumbayan na bigyan sila ng proteksyon laban sa mapanikil na sistema ng administrasyon.

Agad lumusob sa Fort Bonifacio ang isang batalyon ng sundalo at mga Simba tanks matapos mabulabog sa biglaang pagkakatanggal sa puwesto ng kanilang commandant. Si Miranda ay inalis umano sa kanyang puwesto matapos ang alingas- ngas ng kudeta at "unathorized troop movement " gayundin ang balitang magwi-withdraw ito ng suporta kay Pangulong Arroyo.

Sa kasagsagan ng standoff, si Segumalian ay nakunan sa TV habang sumisigaw hinggil sa umano’y malawakang daya- an sa Lanao noong 2004 elections. Gayunman, matapos sibakin si Queru- bin ay hindi naimbestigahan si Segumalian.

Ang tropa ng 2nd Marine Battalion ang ipa- palit sa 11th Marine Battalion na nasa Tawi-Tawi habang ang huli ay itatalaga naman sa Sulu. (Joy Cantos)

Show comments