Ayon kay House Majority Leader Prospero Nograles, hindi dapat samantalahin ng oposisyon ang sitwasyon at gawing katawa-tawa ang pagkakaroon ng Pangulo ng acute diarrhea.
Dapat anyang isipin ng mga kritiko ng Pa-ngulo na nagtatrabaho nang husto ang Punong Ehekutibo para sa kapakanan ng bansa.
"Many of them just lambast her and do not know how hard she tries to improve the lives of every Filipino. Maybe the opposition should give her a break and make her job easier. Lets all help her solve problems. Wag na pampabigat. Wag na dagdag problema," ani Nograles.
Nanawagan din ito ng rekonsilyasyon at pag- kakaisa para sa ikabu- buti ng bansa. (Malou Escudero)