Sa pahayag ni Makati Vice Mayor Bobby Brillantes, ginagamit ni Mayor Jejomar Binay ang mga naturang pulis bilang "Private Army" upang tiyaking mabibigo ang Peoples Initiative sa Cha-cha sa lungsod.
Sinabi pa ni Brillantes, convenor ng Campaign for Public Accountability, na nakatanggap siya ng impormasyon na binabantaan ng kanyang "private army" ang mga residente na pipirma sa Peoples Initiative at yaong mga nakapirma naman ay pinapipirma sa signature forms para mag-execute ng affidavits ng pagbawi sa lagda.
"Were deeply concerned over the extent to which would go, even to the point of employing Gestapo-like tactics, to terrorize people and prevent them from supporting constitutional reforms," diin ni Brillantes.
Nabatid pa ni Brillantes na nagsasagawa si Binay ng diskriminasyon sa pag-isyu ng "yellow cards" para sa medical and dental health care benefits ng mga residente kung saan tanging ang mga anti-Cha-cha lamang ang maaaring bigyan ng naturang card.
Ayon pa kay Brillantes, dapat nang tanggapin ni Binay ang reyalidad na karamihan sa kanilang mga residente ay matagal nang sumasang-ayon na baguhin ang porma ng gobyerno.