^

Bansa

‘Giyera’ vs corrupt na mga ahensiya paigtingin pa

-
Dapat na tutukan ng pamahalaan sa kanilang kampanya ang mga government agencies na sinasabing ugat ng mga korapsiyon na kinabibilangan ng Customs, BIR, DPWH at DepEd.

Ayon sa Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas, ang apat na nabanggit na ahensiya ng pamahalaan ang ikinokonsiderang corrupt ng Office of the Ombudsman kaya dapat na manmanan ng mga graft investigators.

Sinabi ni Jesuit priest Fr. Romeo Intengan, isa sa mga lider ng PDSP, dapat ding i-monitor ang kilos ng AFP, PNP at DOJ.

Upang mas lalo pang mapabuti ang kanilang anti-graft campaign, kailangang muling rebisahin ang pamantayan sa procurement and awarding ng government projects na kadalasang nagiging ugat ng maanomalyang transaksiyon. Mas makabubuting mabigyan ng sapat na insentibo upang hindi na masangkot pa o matukso ang sinumang empleyado na gumawa ng katiwalian.

Inirekomenda rin ni Intengan ang pag-iimbestiga sa mga kamag-anak ng mga high-ranking government officials na sangkot sa anomalya upang makita ng publiko na seryoso ang pamahalaan na masugpo ang graft and corruption.

Kasabay nito, pinapurihan ng PDSP ang pagpapalabas ng P1 billion budget para sa "all-out-war" laban sa corruption.

AYON

DAPAT

INIREKOMENDA

INTENGAN

KASABAY

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PARTIDO DEMOKRATIKO SOSYALISTA

PILIPINAS

ROMEO INTENGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with