Kinatigan ng korte ang objections ng depensa nang tangkain ni Villaignacio na ikonekta kay Estrada ang Topwin Securities, Inc., isang brokerage firm na pag-aari ni "Joy Melendrez", isa umano sa mga mistress ni Erap, gayundin ang isang bahay sa Forbes Park na diumanoy wedding gift ni Estrada sa kanyang anak na si Jackie at ang umanoy pagbibigay ng sovereign guarantee sa Industrias Metalurgicas Pescarmona Sociedad Anonima (IMPSA) deal.
Naglalaman umano ng isang sovereign guarantee ang kontrata subalit wala namang maipakitang kopya ng nasabing kontrata si Villaignacio.
Hinarang din ng korte ang pagpapalabas ng isang video na nagpapakita umanong pumipirma si Erap sa kontrata ng IMPSA. Iginiit ng mga mahistrado na hindi puwedeng ipalabas ang nasabing video hanggang hindi naipo-prodyus ni Villaignacio ang mismong kontrata.
Ayon naman kay Atty. Rene Saguisag, ang pumirma ng kontrata ng IMPSA ay sina dating Justice Sec. Hernando Perez at Mrs. Gloria Arroyo dalawang araw lamang matapos pabagsakin ang gobyerno ni Estrada. (Malou Escudero)