^

Bansa

Prosekusyon binutata sa Erap trial

-
Supalpal ang inabot kahapon ni Chief Special Prosecutor Dennis Villaignacio sa pagpapatuloy ng cross examination kay dating Pangulong Estrada matapos ideklarang "immaterial" at "irrelevant" ng korte ang mga tanong na ibinabato nito sa dating lider.

Kinatigan ng korte ang objections ng depensa nang tangkain ni Villaignacio na ikonekta kay Estrada ang Topwin Securities, Inc., isang brokerage firm na pag-aari ni "Joy Melendrez", isa umano sa mga mistress ni Erap, gayundin ang isang bahay sa Forbes Park na diumano’y wedding gift ni Estrada sa kanyang anak na si Jackie at ang umano’y pagbibigay ng sovereign guarantee sa Industrias Metalurgicas Pescarmona Sociedad Anonima (IMPSA) deal.

Naglalaman umano ng isang sovereign guarantee ang kontrata subalit wala namang maipakitang kopya ng nasabing kontrata si Villaignacio.

Hinarang din ng korte ang pagpapalabas ng isang video na nagpapakita umanong pumipirma si Erap sa kontrata ng IMPSA. Iginiit ng mga mahistrado na hindi puwedeng ipalabas ang nasabing video hanggang hindi naipo-prodyus ni Villaignacio ang mismong kontrata.

Ayon naman kay Atty. Rene Saguisag, ang pumirma ng kontrata ng IMPSA ay sina dating Justice Sec. Hernando Perez at Mrs. Gloria Arroyo dalawang araw lamang matapos pabagsakin ang gobyerno ni Estrada. (Malou Escudero)

CHIEF SPECIAL PROSECUTOR DENNIS VILLAIGNACIO

ERAP

FORBES PARK

HERNANDO PEREZ

INDUSTRIAS METALURGICAS PESCARMONA SOCIEDAD ANONIMA

JOY MELENDREZ

JUSTICE SEC

MALOU ESCUDERO

MRS. GLORIA ARROYO

VILLAIGNACIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with