Sa Bintang Na Utak Sa Metro Bombings: ‘Di kami estupido para guluhin ang sariling gobyerno — FG

Inakusahan kahapon ni First Gentleman Mike Arroyo na mga duwag ang mga taong nagbibintang sa kanya at sa iba pang opisyal ng gobyerno na utak sa serye ng pambobomba sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila kamakailan. "Hindi kami estupido at hindi kami gago para guluhin namin ang aming sariling administrasyon," sabi ni FG.

Ayon kay Atty. Jesus Santos, tagapagsalita ni FG, malisyoso ang akusasyong ito ng mga hindi nagpakilalang tao. Hindi anya nila maloloko ang sambayanan sa pamamagitan ng kanilang mga imposibleng kasinungalingan. "Hinahamon namin ang mga duwag na ito na ilantad ang kanilang mga pagmumukha sa publiko sa lalong madaling panahon at ilabas agad ang anumang ebidensiyang sa palagay nila ay hawak nila," galit na sabi ni Santos.

Sinabi pa ni Santos na kung talagang makabayan sila tulad ng sinasabi nila dapat silang lumantad at ihayag ang sinasabi nilang nalalaman nila tungkol sa mga bombahan," dagdag ni Santos. (Lilia Tolentino)

Show comments