Walang nanalo sa Pepsi 349 SC
June 21, 2006 | 12:00am
Naunsiyami ang pangarap na maging milyonaryo ng ilang Pinoy na may hawak na "Pepsi 349" crown matapos na ideklara ng Supreme Court (SC) na walang nanalo rito.
Sa 10-pahinang desisyon, idineklara ng SC 3rd Division na hindi na dapat pang umasa sa anumang premyo ang lahat ng mga nakakuha ng tansang may numerong 349.
"The issues surrounding the "349" incident have been laid to rest and must no longer be disturbed in this decision. Otherwise, a situation could arise where decisions would conflict, rendering inutile the Courts findings in the earlier cases," nakasaad sa desisyon.
Binaligtad din ng SC ang naunang hatol ng mababang hukuman at ng Court of Appeals (CA) na nag-aatas sa Pepsi na bayaran ng mahigit isang milyong piso ang 349 crown holder na si Jaime Lacanilao. Pumayag si Lacanilao na makipag-areglo na lamang sa Pepsi kapalit ng pag-uurong sa kaso.
Ipinaliwanag ng SC na hindi maituturing na talagang nanalo ang mga nakakuha ng tansang 349 dahil iba ang nakatatak na security code rito kumpara sa mga winning crown na nasa listahan ng DTI batay na rin sa dalawang kaparehong kaso na nauna na nilang dinesisyunan.
Binigyang-diin ng korte na ang nabanggit na desisyon ay aplikable rin para sa iba pang naghahabol ng premyo mula sa 349 number fever promo. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
6 hours ago
Recommended