^

Bansa

Daan-daang residente inilikas sa Bulusan

-
Daan-daang residente na nakatira sa idineklarang 4 kilometer permanent danger zone sa palibot ng Mt. Bulusan sa Sorsogon ang inilikas matapos magbuga ng makapal na abo ito kamakalawa.

Ayon kay Maj. Gen. Glen Rabonza (Ret.) ng Office of Civil Defense, matapos magbuga ng may taas na 3.5 kilometrong abo ang Mt. Bulusan bandang alas-3:56 kamakalawa ng hapon ay nagsimula nang lumikas ang mga residente na nasa 4 kilometer permanent danger zone.

Ang mga residente mula sa mga bayan ng Irosin, Juban, Casiguran, Bulusan, Barcelona at Gubat ang inilikas matapos ang panibagong pag-aalburoto ng Mt. Bulusan kamakalawa.

Personal na binisita noong Sabado ni Pangulong Arroyo ang ginagawang paghahanda ng pamahalaan para matiyak ang kaligtasan ng mga residente na nasa paanan ng Mt. Bulusan.

Nagtungo si PGMA sa Juban, Sorsogon noong Sabado para masigurong naipapatupad ang no-man zone sa 4 kilometer danger zone. (Joy Cantos/Lilia Tolentino/Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

GLEN RABONZA

JOY CANTOS

JUBAN

LILIA TOLENTINO

MT. BULUSAN

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

PANGULONG ARROYO

SABADO

SORSOGON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with