DENR binira sa operasyon ng La Fayette
June 19, 2006 | 12:00am
Malaking pagkakamali umano ang naging desisyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) nang payagan nito ang Australian company na La Fayette na magpatuloy ng operasyon sa Rapu-Rapu, lalawigan ng Albay.
Ayon sa dating miyembro ng Fact Finding Committee na pinangungunahan ni Charles Avila, lider ng Aksyon Sambayanan, walang magandang katwiran o dahilan ang DENR upang payagan ang La Fayette na magpatuloy sa kanilang operasyon matapos na maganap ang mine spill na nangyari noong nakaraang taon.
Sinabi ni Avila na binigyan lamang ng 30-day test run ang La Fayette subalit nananatili itong may dulot na pangamba sa mga residente ng Rapu-Rapu at maging sa kalikasan ng nasabing isla dahil wala namang nanghuhuli rito.
Aniya, ang paglabag sa environmental at legal safety standards ng naturang kompanya ay hindi pa natutukoy kaya posibleng makalusot ito sa responsibilidad.
Inirekomenda ni Avila na dapat na panatilihin ng DENR ang pagpapatupad ng moratorium sa lahat ng mining operation sa Rapu-Rapu hanggat hindi pa nakakahanap ng teknolohiya na susugpo sa problemang tulad nito.
Idinagdag pa ni Avila na dapat na muling magsumite ng panibagong aplikasyon ang La fayette environmental compliance certificate kung nais nitong sumailalim sa masusing proseso.
"We wanted to believe that the DENR stood firstly for the promotion of a balanced and healthful ecology for the Filipino people, that it was an agency that gave more weight to the welfare of the people over the wishes of foreign firms, ani Avila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 13 hours ago
By Doris Franche-Borja | 13 hours ago
By Ludy Bermudo | 13 hours ago
Recommended