^

Bansa

Pagsugpo sa komunismo aabot ng 5 taon

-
Tiniyak ni National Security Adviser Norberto Gonzales na masusugpo ang communist insurgency sa loob ng apat hanggang limang taon kung mananatili ang puwersa at suporta ng pamahalaan sa militar.

Ayon kay Gonzales, bagama’t target ni Pangulong Arroyo na masugpo ito sa loob ng dalawang taon, sinabi ni Gonzales na mahihirapan ang pamahalaan upang tuluyan nang masabing "eliminated" na ang mga komunista.

Pabor si Gonzales sa programa ni Arroyo subalit mas kinakailangan ang realidad na hindi pa kaya ng pamahalaan na sugpuin ang communist insurgency. Aniya, nais din nilang matigil na ang rebelyon at pagdanak ng dugo upang maging tuluy-tuloy na rin ang pagsulong ng bansa.

Iginiit pa ni Gonzales na siya ring chairman ng Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP) na malaki ang naitulong ng military campaign sa unti-unting pagkakabuwag ng New People’s Army, ang armed wing ng National Democratic Front-Communist Party of the Philippines.

Idinagdag ni Gonzales na malaki ang naitulong ng pamahalaan sa mga sundalo kabilang na ang paglalaan ng P1 billion para sa anti-insurgency operation.

ANIYA

AYON

GONZALES

IDINAGDAG

IGINIIT

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT-COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

NATIONAL SECURITY ADVISER NORBERTO GONZALES

NEW PEOPLE

PANGULONG ARROYO

PARTIDO DEMOKRATIKO SOSYALISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with