Palugit sa security ng LRT
June 19, 2006 | 12:00am
Binigyan pa ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ng 15-araw na palugit para magbayad ng utang sa security agency na nagbabantay sa dalawang linya ng LRT mula Monumento hanggang Baclaran at Divisoria hanggang Santolan.
Ang palugit ay ibinigay ng Lockheed Detective and Watchman Agency na 20 taon nang nagtatalaga ng mga guwardiya sa LRT. Sa liham na ipinadala ni Col. Esteban Uy Jr., pangulo ng Lockheed kay LRTA Administrator Melquiades Robles, binigyan nito ng hanggang Hunyo 30 ang LRTA na bayaran ang pagkakautang na P60 million mula pa noong Nobyembre at kung hindi ay tuluyan na nitong tatanggalin ang mga guwardiya nito sa lahat ng istasyon ng LRT.
Ibinigay ng Lockheed ang palugit para hindi malagay sa alanganin ang seguridad ng mga pasaherong sumasakay sa LRTA araw-araw.
Una nang binigyan ng taning na hanggang Hunyo 15 ang LRTA subalit nagpahayag ang management subalit nakiusap ito sa security agency.
Samantala, ipinapa-inhibit naman ang judge sa kaso ng iregularidad sa bidding ng LRTA para sa panibagong security service para sa mga istasyon ng tren. Ang kaso ay dinidinig ni Judge Jesus Mupas ng Pasay Regional Trial Court Branch 112 na ayon sa Advance Forces Security and Investigation (AFSIS) ay kumikiling sa LRTA.
Nauna nang idenemanda ng AFSIS ang LRTA management dahil sa pagbabaligtad nito sa resulta ng bidding para sa security service na ginawa noong Nobyembre. Nagwagi ang AFSIS ngunit ang kontrata ay ibinigay ng LRTA noong Mayo 11 sa Variance Protective and Security Agency (VPSA) na nauna nang dinisqualify ng LRTA bids and awards committee dahil sa kakulangan sa papeles.
Ayon kay Orlando Mendiola, abogado ng AFSIS, nilabag ni Mupas ang Rules of Court ng hindi nito desisyunan ang naka-pending na petition for preliminary injunction sa loob ng 20 araw na isinasaad ng batas. Dahil dito, nagkaroon aniya ng "shadow of doubt" ang kanyang pagiging impartial sa kaso.
Nagpalabas ng temporary restraining order (TRO) noong Mayo 12 si Judge Pedro de Leon Gutierrez ng branch 119 para pansamantalang pigilin ang pagpirma ng LRTA ng kontrata sa VPSA. Subalit nilabag ito ng LRTA at itinuloy ang pagpirma ng "provisional contract.
Dapat sanang ginawaran ng desisyon ni Judge Mupas sa loob ng 20 araw mula ng ilabas ang TRO kung dapat magbaba ng preliminary injunction ang korte. Subalit hinayaan lamang niyang mapaso ang TRO noong Hunyo 1, ayon kay Mendiola.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended