CA justice bagong Labor sec.
Hinirang kahapon ni Pangulong Arroyo bilang bagong kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE) si Court of Appeals Justice Arturo Brion kapalit ng nagbitiw na si Patricia Sto. Tomas. In-appoint naman ng Pangulo si Sto. Tomas bilang chairman ng Development Bank of the Philippines (DBP). Magkakabisa ang panunungkulan ni Brion sa Hulyo 3, 2006. Si Brion na 1975 bar topnotcher ay nagsilbing Foreign Affairs undersecretary bago naitalaga bilang Associate Justice ng CA noong Hulyo 2003. (Lilia Tolentino)