Ayon kay National Security Adviser Norberto Gonzales, ang status quo order na inilabas ng Korte Suprema na nagpapatigil sa Department of Justice na imbestigahan sina Reps. Satur Ocampo, Lisa Maza, Teddy Casino, Joel Virador at Rafael Mariano, at Rep. Crispin Beltran ay upang makapagpahayag lamang ng kanilang depensa ang mga akusado at hindi nangangahulugan na absuwelto na sa kasong rebelyon.
Ayon kay Gonzales, founder ng Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP), mabigat ang ebidensiya ng DOJ laban sa anim na mambabatas kaya. Aniya, maging ang pamahalaan ay bumuo rin ng malakas na kaso laban sa mga mambabatas na kabilang sa mga makakaliwang grupo at inaakusahan din ng pakikiisa sa pagpapabagsak ng pamahalaang Arroyo.