Imbestigasyon vs Batasan 5 pinatigil

Inatasan ng Supreme Court First Division ang Department of Justice (DOJ) na itigil ang pagsasailalim sa preliminary investigation laban sa "Batasan 5" kaugnay sa kasong rebelyon.

Sa 2-pahinang resolution ng SC en banc, pinagbigyan nito ang kahilingan ng kampo ng mga party-list congressmen sa pamamagitan ni Atty. Vicente Ladlad na pigilan ang imbestigasyon.

May petsang Hunyo 5, 2006, ang resolusyon ay nagbigay ng status quo order na nag-aatas sa DOJ na itigil ang imbestigasyon o pag-uusig sa grupo nina Reps. Teddy Casino, Liza Maza, Rafael Mariano, Satur Ocampo at Joel Virador.

Mananatili ang nasabing kautusan hanggat hindi pa nagpalabas ng panibagong desisyon sa usapin bunsod naman ng nakabinbing pagkuwestiyon ng kampo ng Batasan 5 sa legalidad ng pag-iimbestiga ng DOJ. (Ludy Bermudo)

Show comments