Sisilipin din ng International Fact-Finding Mission (IFFM) on the Attacks Against Filipino Lawyers ang nararanasan umanong harassment ng ilang miyembro ng Philippine Bar na ang karamihan ay nagsisilbing abogado ng mga biktima ng human rights.
Ayon kay Atty. Rachel Pastores, spokesperson ng IFFM, nababahala na ang mga abogado sa ibang bansa sa nangyayaring karahasan laban sa mga abogado rito sa Pilipinas. Ang imbestigasyon ay isasagawa sa Hunyo 12-20 sa Maynila at Visayas.
Ayon kay Pastores, ang 8-member European delegation ay mag-iinterview ng mga kaanak ng mga pinatay na abogado at makikipag-usap din sa mga abogadong nakakaranas ng harassment.
Kabilang sa mga iimbestigahan ang pagpaslang kay Judge Henrick Gingoyon ng Pasay City noong Dis. 31, 2005; Atty. Norman Bocar ng Samar, Sept. 1, 2005, Atty. Felidito Dacut ng Leyte, March 14, 2005, Atty. Arbet Yongco ng Cebu City, Oct. 11, 2004, Atty. Juvy Magsino ng Mindoro Oriental, Feb. 13, 2004. (Malou Escudero/Grace dela Cruz)