^

Bansa

Pagpatay sa mga abogado sa Pinas pakikialaman na ng international mission

-
Dahil sa kabagalan ng pagresolba ng kasong pagpatay sa mga abogado sa bansa, tutulong na ang mga dayuhang abogado sa pagsasagawa ng masusing imbestigasyon dito.

Sisilipin din ng International Fact-Finding Mission (IFFM) on the Attacks Against Filipino Lawyers ang nararanasan umanong harassment ng ilang miyembro ng Philippine Bar na ang karamihan ay nagsisilbing abogado ng mga biktima ng human rights.

Ayon kay Atty. Rachel Pastores, spokesperson ng IFFM, nababahala na ang mga abogado sa ibang bansa sa nangyayaring karahasan laban sa mga abogado rito sa Pilipinas. Ang imbestigasyon ay isasagawa sa Hunyo 12-20 sa Maynila at Visayas.

Ayon kay Pastores, ang 8-member European delegation ay mag-iinterview ng mga kaanak ng mga pinatay na abogado at makikipag-usap din sa mga abogadong nakakaranas ng harassment.

Kabilang sa mga iimbestigahan ang pagpaslang kay Judge Henrick Gingoyon ng Pasay City noong Dis. 31, 2005; Atty. Norman Bocar ng Samar, Sept. 1, 2005, Atty. Felidito Dacut ng Leyte, March 14, 2005, Atty. Arbet Yongco ng Cebu City, Oct. 11, 2004, Atty. Juvy Magsino ng Mindoro Oriental, Feb. 13, 2004. (Malou Escudero/Grace dela Cruz)

ARBET YONGCO

ATTACKS AGAINST FILIPINO LAWYERS

AYON

CEBU CITY

FELIDITO DACUT

INTERNATIONAL FACT-FINDING MISSION

JUDGE HENRICK GINGOYON

JUVY MAGSINO

MALOU ESCUDERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with