Sinabi ni Col. Tristan Kison, public information chief ng AFP, hindi nila inaalis ang posibilidad na sangkot ang mga rebeldeng sundalo sa ginawang pagpapasabog sa Metro Manila, Lipa City sa Batangas at Lubao, Pampanga.
Wika pa ni Col. Kison, hindi pa sila makapagbigay ng kongklusyon sa ngayon kaugnay sa posibleng pagkakasangkot ng mga rebeldeng sundalo sa naganap na mga bombings pero ang nasisiguro nila ay walang aktibong militar ang involve dito.
Samantala, iginiit naman ng PNP na isang bogus ang grupong nagpakilalang Taumbayan at Kawal (Tabak) na umako sa naganap na serye ng pagpapasabog.
Ayon kay Sr. Supt. Samuel Pagdilao, PNP spokesman, nakisawsaw lamang ang grupong Tabak matapos nitong akuin ang responsibilidad sa naganap na mga pagsabog. (Joy Cantos)