Negosasyon ng gobyerno sa NDF, wala nang saysay
June 9, 2006 | 12:00am
Walang saysay ang pakikipag-usap sa National Democratic Front (NDF) at New Peoples Army (NPA) habang ang mga ito ay abala sa paghahasik ng mga karahasan.
Naniniwala si National Security Adviser Norberto Gonzales na walang maibubungang positibong resulta ang pakikipag-negosasyon sa mga grupo na may dalawang mukha na ang isa ay nagtataguyod habang ang isa naman ang kumakalaban sa idelohiya ng organisasyon.
Inihalimbawa na lamang ni Gonzales ang naging pakikipag-usap sa NDF na habang nakikipagkasundo ng kapayapaan sa gobyerno ay tumanggi namang ipatigil ang NPA sa pagpatay sa mga target na military at pulis.
Sinabi rin ng opisyal na una nang inamin ni Bayan Muna partylist Rep. Teddy Casiño na ang communist movement at patuloy pa ring armado at patuloy na nakikinabang ng dalawang bagay ang NDF ang kunwariy makipag-ayos sa pamahalaan at ang pakikipagsagupaan sa mga kaaway na sundalo at pulis.
"As a National Security Adviser, must I be expected to promote peace talks with his kind of terrorist foes? And make of us blind to the identity and oneness of the twin tactics of armed and parliamentary struggles?" saad pa ni Gonzales.
Ayon pa kay Gonzales na nagpahayag si Dr. Walden Bello, isang manunulat at dating komunista na hindi ang CPP ay rebolusnaryong hindi umano bukas ang isip at inamin din nitong ang mga makakaliwa ay isa ring malaking problema ng mga Pilipino dahil mga kapwa CPP-NPA ay kanilang pinapaslang.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest