^

Bansa

Eleksyon uli utos ng korte sa NPC

-
Iniutos ng korte na magdaos ng panibagong halalan para sa pamunuan ng National Press Club (NPC) na pangangasiwaan ng hukuman upang maresolba ang isyu dito.

Sa 13-pahinang resolusyon ni Manila Judge AIda Layug ng Regional Trial Court branch 46, iniutos din nito ang status quo kung saan ang dating opisyal ng NPC sa pamumuno ng pangulo nitong si Antonio Antonio ang pansamantalang mangasiwa sa NPC habang walang bagong halal na opisyal.

Kinilala din ng korte ang binuong election committee ni Mr. Antonio sa pamumuno nina Mr. Jose Pavia at Gil Santos na nangasiwa ng halalan ng NPC noong Mayo 7.

Bumuo naman ang korte ng election committee sa pamumuno ni Atty. Clemente Clemente, clerk of court ng RTC branch 46, kasama ang kinatawan ng naglalabang partido na Freedom party at Reform party.

Dapat isagawa ang eleksyon muli ng NPC sa susunod na linggo batay sa kautusan ng korte. (Gemma Garcia)

ANTONIO ANTONIO

BUMUO

CLEMENTE CLEMENTE

GEMMA GARCIA

GIL SANTOS

MANILA JUDGE

MR. ANTONIO

MR. JOSE PAVIA

NATIONAL PRESS CLUB

REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with