Siniguro ni outgoing Senate President Franklin Drilon na tutuparin niya ang kasunduan nila ni Sen. Villar ukol sa term-sharing matapos makakuha ng suporta mula sa mayoryang miyembro ng Senado si Villar para maluklok na lider ng Mataas na Kapulungan.
Umabot umano sa 14 na mambabatas ang lumagda sa isang resolusyon na sumusuporta para maging senate president si Villar sa pagbubukas muli ng sesyon sa July 24. Labintatlong boto lamang ang kailangan ni Villar para maging senate president.
Sinabi naman ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr., mahalagang mapangalagaan ng susunod na lider ng Senado ang pagiging independent ng Mataas na Kapulungan.
Naunang ibinunyag ni Senate President Pro-Tempore Juan Flavier na may umiikot nang resolusyon para mailuklok na senate president si Villar sa July 24. (Rudy Andal)