Pinagsama-sama na ng komite ang pitong panukalang batas na may kaugnayan sa pagkakaroon ng national ID sa bansa.
Naniniwala ang mga awtor ng panukala na mas mapapabilis ang pagbibigay ng basic services ng gobyerno kung mayroon lamang isang ID na gagamitin ang bawat Filipino.
Sa sandaling maging isang ganap na batas, pag-iisahin na lamang ang mga ID na ginagamit ng GSIS, SSS, Comelec at BIR.
Layunin din nang pagkakaroon ng national ID na mapabilis ang statistical data gathering ng mga government institutions.
Sinabi ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, isa sa mga awtor ng panukala na maraming bansa na ang gumagamit ng national ID system tulad ng Malaysia, Indonesia, Japan, Germany at South Africa.
Mas mabilis anya ang transaksiyon sa mga nasabing bansa dahil iisang ID lamang ang ginagamit. (Malou Escudero)