^

Bansa

National ID umusad na sa Kamara

-
Sa kabila nang mahigpit na pagtutol ng ilang sektor, umusad na sa House committee o justice at public order and security ang panukalang batas na magtatatag sa national identification (ID) system.

Pinagsama-sama na ng komite ang pitong panukalang batas na may kaugnayan sa pagkakaroon ng national ID sa bansa.

Naniniwala ang mga awtor ng panukala na mas mapapabilis ang pagbibigay ng basic services ng gobyerno kung mayroon lamang isang ID na gagamitin ang bawat Filipino.

Sa sandaling maging isang ganap na batas, pag-iisahin na lamang ang mga ID na ginagamit ng GSIS, SSS, Comelec at BIR.

Layunin din nang pagkakaroon ng national ID na mapabilis ang statistical data gathering ng mga government institutions.

Sinabi ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, isa sa mga awtor ng panukala na maraming bansa na ang gumagamit ng national ID system tulad ng Malaysia, Indonesia, Japan, Germany at South Africa.

Mas mabilis anya ang transaksiyon sa mga nasabing bansa dahil iisang ID lamang ang ginagamit. (Malou Escudero)

COMELEC

LAYUNIN

MALOU ESCUDERO

MUNTINLUPA REP

NANINIWALA

PINAGSAMA

RUFFY BIAZON

SINABI

SOUTH AFRICA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with