Sa impormasyong nakarating kahapon sa Department of Foreign Affairs (DFA), kinilala ang dalawa sa tatlo na sina Jeknal Adil, 22 at Binsali Omar, 40 na kapwa tubong Mindanao. Walo pang Malaysian at tatlong Indonesian na sinasabing aktibong miyembro ng Darul Islam terror group ang kasamang naaresto.
Ang Darul Islam ang tumulong sa pitong Indonesian kabilang ang dalawang top Jemaah terrorists na sina Dulamtin at Umar Patek sa pagtakas at pagtatago sa Pilipinas partikular sa Mindanao. Sina Dulamtin at Patek ang itinuturong may kinalaman sa Bali bombing sa Indonesia noong 2002.
Sinasabing naaresto ang grupo nitong Marso 16 hanggang Abril 3 habang nagpaplano umano ng panibagong pag-atake sa nasabing bansa.
Sinasabi ring sangkot ang tatlong Pinoy sa pag-smuggled ng mga matataas na uri ng baril sa Mindanao.