Paglusaw sa bitay sinertipikahan na
Sinertipikahan na ni Pangulong Arroyo bilang urgent bill ang Senate Bill 2254 na lulusaw sa parusang bitay. Sa kanyang liham kay Senate President Franklin Drilon, sinabi ng Pangulo na kailangang buwagin na ang Death Penalty dahil hindi na epektibong nakapagpapabawas ito sa karumal-dumal na krimen. Tugon din aniya ito sa mga obserbasyon na ang parusang kamatayan ay hindi maka-mahirap dahil ang mga hindi nakakariwasa sa buhay ay walang kakayahang kumuha ng mahuhusay na abogado para depensahan ang sarili. Gayundin, ang mga napatawan ng kamatayan sa hindi makatarungang paraan ay naghihiganti na lamang para makakuha ng katarungan. Naniniwala ang Pangulo na ang life imprisonment ay nakapagbibigay pagkakataon sa nagkasala na magbago. (Lilia Tolentino)