^

Bansa

NPO ginagamit ng ULAP

-
Matapos na mabunyag ang pag-imprenta ng primer ng Charter change sa National Printing Office (NPO), muli na naman umanong nagkaroon ng pag-iimprenta rito at sa pagkakataong ito ay primer naman na isinusulong ng kontrobesiyal na Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) at Sigaw ng Bayan Movement. Sa nakalap na kopya ng NPO work order na may petsang Abril 27, 2006, nagpa-imprenta ang ULAP at Sigaw ng Bayan ng 20,000 kopya ng primer.

Ipinakita din ng impormante ang isang kopya ng work order envelop routing slip na nagsasabing ang mga naturang kopya ay inilabas din noong Mayo 26, 2006 na inaprubahan mismo ni NPO officer-in-charge Felipe Evardone. Nabatid na ang Sigaw ng Bayan Movement na isang pribadong grupo ang tumulong umano sa ULAP para i-request ang pagpapa-imprenta ng primer sa NPO na isa namang government agency. Hindi naman binanggit kung magkano ang halaga sa paggastos sa pagpa-imprenta. Sinabi ng source na malaki ang pananagutan ng NPO officials dahil mga "government agencies" lamang ang maaaring magpa-imprenta sa tanggapan ni Evardone. (Doris Franche)

ABRIL

BAYAN

BAYAN MOVEMENT

DORIS FRANCHE

EVARDONE

FELIPE EVARDONE

IPINAKITA

NATIONAL PRINTING OFFICE

SIGAW

UNION OF LOCAL AUTHORITIES OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with