Kinuwestiyon ng Pangulo si Hidalgo sa inihayag niyang bilang ng mga estudyante kung ihahambing sa bilang ng mga guro at gayundin ng silid-aralan sa buong bansa.
Sinabi ni Hidalgo sa presentasyon niya na ang ratio ng mag-aaral laban sa guro ay 45 is to 1, pero iginiit ng Pangulo na ang dapat ay 100 is to 1 o 50 estudyante bawat klase dahil dalawa ang shift ng mag-aaral sa paaralang pampubliko.
Dahil sa kawalan ng kahandaan na sagutin ang mga itinatanong ng Pangulo, pinalabas sa meeting si Hidalgo at pinabalik sa DepEd para repasuhin ang mga regulasyon at programa ng kanyang departamento. (Lilia Tolentino)