^

Bansa

Sec. Hidalgo sinabon ni GMA

-
Pinagalitan ni Pangulong Arroyo si acting Education Secretary Fe Hidalgo sa idinaos kahapong pulong ng Gabinete dahil sa hindi nakuntento ang Pangulo sa paliwanag ng kalihim hinggil sa kakulangan ng silid-aralan at ratio ng mag-aaral kung ihahambing sa bilang ng guro kada klase.

Kinuwestiyon ng Pangulo si Hidalgo sa inihayag niyang bilang ng mga estudyante kung ihahambing sa bilang ng mga guro at gayundin ng silid-aralan sa buong bansa.

Sinabi ni Hidalgo sa presentasyon niya na ang ratio ng mag-aaral laban sa guro ay 45 is to 1, pero iginiit ng Pangulo na ang dapat ay 100 is to 1 o 50 estudyante bawat klase dahil dalawa ang shift ng mag-aaral sa paaralang pampubliko.

Dahil sa kawalan ng kahandaan na sagutin ang mga itinatanong ng Pangulo, pinalabas sa meeting si Hidalgo at pinabalik sa DepEd para repasuhin ang mga regulasyon at programa ng kanyang departamento. (Lilia Tolentino)

DAHIL

EDUCATION SECRETARY FE HIDALGO

GABINETE

HIDALGO

KINUWESTIYON

LILIA TOLENTINO

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PINAGALITAN

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with