Bunga nitoy maaari nang ituloy ng DoJ ang naudlot nitong imbestigasyon hinggil sa nabanggit na insidente na ikinamatay ng mahigit sa 70 katao.
Sa 16-pahinang desisyon, ipinaliwanag ni CA-Special 13th Division Associate Justice Arturo Tayag na may karapatan ang prosecution na magsagawa ng imbestigasyon na may kinalaman sa lahat ng uri ng krimen.
Ayon sa CA, walang ebidensiya na nagkaroon ng pagkiling ang DoJ sa pagsasagawa nito ng imbestigasyon. Wala rin umanong mabigat na dahilan para magpalabas ng writ of injunction ang CA dahil wala namang "irreparable injury" sa panig ng ABS-CBN.
Nagsumite ng motion ang ABS-CBN sa CA na magpalabas ang huli ng TRO upang mapahinto ang DoJ sa pagsasagawa ng imbestigasyon dahil maituturing umanong bias si Sec. Raul Gonzalez.