Hitman ni Capulong, hanap
May 30, 2006 | 12:00am
Inilabas na ng mga awtoridad ang cartographic sketch ng isa sa dalawang suspect na responsable sa pagpaslang sa miyembro ng Bayan Muna at kolumnista sa pahayagang BIDA noong nakaraang Sabado ng gabi sa Brgy. Parian, Calamba City, Laguna.
Ayon sa tatlong saksi ang suspect ay nasa gulang na 35, may taas na 57 talampakan, medyo may katabaan at nakasuot ng berdeng bonnet.
Kasalukuyang inaalam ng mga awtoridad kung ang mga suspect ay miyembro ng gun for hire o organized crime syndicate.
Nabatid na ang biktimang si Noli Capulong ay lulan ng kanyang owner type jeep nang barilin ng mga salarin na sakay sa isang motorsiklo sa kahabaan ng Brgy. Parian, Calamba City noong Sabado dakong alas-6 ng gabi.
Naglaan ang pulisya ng P50,000 pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikadadakip ng mga suspect. (Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am