^

Bansa

P100 wage hike, ilulusot sa Kongreso

-
Nakatakdang palusutin sa susunod na linggo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang P100 legislated wage hike bilang kapalit sa panukalang P125 legislated wage increase.

Ito ang isiniwalat kahapon ni Rep. Roseller Barinaga, chairman ng House committee on labor and employment.

Ayon kay Barinaga, nagkasundo ang mga mambabatas na ibaba sa P100 ang orihinal na panukalang P125 wage increase.

Sinabi pa ni Barinaga na maging sa Senado ay inaasahang aaprubahan rin ang P100 wage hike na ipinanukala ni Sen. Jinggoy Estrada.

"At least we now have a common ground. We hope that the Senate would approve the House proposal en toto," ani Barinaga. Kung ia-adopt ng Senado ang panukala ng Kamara, agad itong ipapadala sa Malacañang para malagdaan ni Pangulong Gloria Arroyo. Kung hindi naman, mag-uusap ang Senado at Kamara sa pamamagitan ng bicameral conference committee.

Inihain ni Sen. Estrada ang Senate bill 2030 na nagsusulong sa P100 minimum wage hike.

Tutol naman si Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. sa legislated wake hike. (Malou Escudero)

vuukle comment

AYON

BARINAGA

JINGGOY ESTRADA

KAMARA

MABABANG KAPULUNGAN

MALOU ESCUDERO

PANGULONG GLORIA ARROYO

ROSELLER BARINAGA

SENADO

SENATE MINORITY LEADER AQUILINO PIMENTEL JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with