^

Bansa

‘Lutuan’ sa NPO bidding

-
Nabunyag ang umano’y "lutuan" sa bidding na nagaganap sa National Printing Office (NPO) partikular ang pag-imprenta ng accountable forms ng Korte Suprema.

Sa sumbong ni Anselmo Badillo, sales manager ng Ernest Printing Corp. kay Sen. Richard Gordon, kwestyunable ang naganap na bidding sa NPO noong nakaraang Mayo 16 para sa accountable forms ng SC.

Ayon kay Badillo, ang bidding para sa pag-imprenta ng 30,000 pads ng accountable forms para sa SC na may halagang P3 milyon ay naging maanomalya dahil hindi ito naging transparent dahil walang naganap na mandatory pre-procurement conference, walang publications sa mga daily newspapers at wala ring inilagay sa bulletin board ng NPO na itinatadhana ng RA 9184 o kilala sa tawag na Government Procurement Act.

Pinili rin umano ang pinasali sa bidding dahil pati ang Ernest Printing na pinakamalaking private printer sa bansa ay hindi pinasali ng NPO.

Wika pa nito, malaking sampal din sa mga miyembro ng SC ito dahil sa kabila ng kanilang kautusan na huwag nang magpa-imprenta ng mga forms sa labas ng NPO ay pilit pa ring "ibinenta" ng NPO sa paborito nilang security printers na Readyforms Inc. ang nasabing mga accountable forms ng SC. (Rudy Andal/Grace dela Cruz)

ANSELMO BADILLO

AYON

ERNEST PRINTING

ERNEST PRINTING CORP

GOVERNMENT PROCUREMENT ACT

KORTE SUPREMA

NATIONAL PRINTING OFFICE

READYFORMS INC

RICHARD GORDON

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with