Pinas nakiramay sa Indon quake victims
May 29, 2006 | 12:00am
Nakiramay si Pangulong Arroyo sa pamilya ng mga nasawi at nakaligtas sa killer quake na umuga sa Yogyakarta na ikinasawi ng 3,700 katao, libu-libong sugatan at nag-iwan ng 200,000 Indonesian na walang matitirhan.
Inaprubahan na rin ng Pangulo ang pagpapadala ng humanitarian team na magiging ambag ng Pilipinas sa pagtutulung-tulong ng mga bansa sa search, rescue at relief operations na inaasahang dadating sa naturang siyudad sa mataong isla ng Java.
"In behalf of the Filipino people, I extend our sympathies to the people of Indonesia who have once more suffered great loss and pain in the face of this tragedy," pahayag ng Pangulo.
Ang 6.2 lakas na lindol ang itinuturing na pinaka-grabeng disaaster na tumama sa Indonesia mula noong tsunami tragedy noong Disyembre 2004 na sumalanta rin sa mga bansa na nakaharap sa Indian Ocean. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest