Satur di pinayagan sa Jakarta
May 27, 2006 | 12:00am
Hindi pinayagan ni Justice Secretary Raul Gonzalez na makalabas ng bansa si Bayan Muna Rep. Satur Ocampo para dumalo sa isang forum sa Indonesia.
Sa ipinalabas na memorandum ni Gonzalez sa Cabinet Oversight Committee on Internal Security (COCIS), sinabi nito na hindi dapat alisin sa watchlist order ng Bureau of Immigration at payagang makabiyahe palabas ng bansa si Ocampo dahil maaaring makaapekto ito sa kasong rebelyon na kinakaharap nito sa Makati Regional Trial Court. Ang memo ay kasunod ng kahilingan ni Ocampo na payagan siyang dumalo sa International Conference on the Cancellation of Illegitimate Debts sa Jakarta. (Grace dela Cruz/Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest