^

Bansa

AFP ’di magso-sorry sa 5 Erap supporters

-
Nanindigan si AFP Chief Gen. Generoso Senga na legal ang pag-aresto sa limang supporters ni dating Pangulong Joseph Estrada at hindi magso-sorry ang militar sa mga ito.

Ayon kay Senga, inatasan na niya si Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) chief Commodore Leonardo Calderon na siyasatin ang operating unit ng Military Intelligence Group (MIG) 15 na siya umanong umaresto kina Virgilio Eustaquio, PO3 Jose Curameng, Jim Cabautan, Dennis Ebona at Ruben Dionisio, pawang kasapi ng Union of the Masses for Democracy and Justice (UMDJ) noong Lunes.

Gayunman, tiniyak ni Senga na sakaling mapatunayan na may paglabag sa batas sa panig ng ISAFP ay hindi nila ito kukunsintihin. Unang itinanggi ng AFP ang pagka-aresto sa lima pero inamin din kinabukasan ni AFP spokesman Col. Tristan Kison.

Samantala, hindi palalagpasin ng Senado ang umano’y paglabag sa karapatang-pantao ng ISAFP.

Ayon kay Sen. Rodolfo Biazon, chairman ng Senate committee on national defense and security, hihimayin nila ang alegasyon ng lima na sila’y pinahirapan at pinakawalan matapos ang tatlong araw.

Sinabi ng lima na nakaranas sila ng mental torture bukod pa sa matinding panggugulpi sa kamay ng mga humuli sa kanila.

Sa lima ay si Dionisio ang nakatikim umano ng grabeng pagpapahirap na kinuryente pa ang ari.

Ang lima ay nasa pangangalaga ngayon ni Sen. Jinggoy Estrada. (Joy Cantos/Rudy Andal)

AYON

CHIEF GEN

COMMODORE LEONARDO CALDERON

DEMOCRACY AND JUSTICE

DENNIS EBONA

GENEROSO SENGA

INTELLIGENCE SERVICE OF THE ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

JIM CABAUTAN

JINGGOY ESTRADA

JOSE CURAMENG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with