Tamad na mga kongresista mag-resign na lang!
May 27, 2006 | 12:00am
Dapat na umanong magbitiw na lamang sa puwesto ang mga kongresistang wala nang balak pang gawin ang kanilang trabaho at palaging absent sa sesyon.
Pinayuhan din ng ilang lider sa Kamara de Representates ang mga tamad na kongresista na hindi na dapat tumakbo pang congressman kung hindi na kayang gampanan ang tungkulin sa bayan.
Ayon kay Deputy Majority Leader Antonio Cerilles, panahon na para supilin ang pagmamatigas ng mga tamad na mambabatas dahil sa halip na makatulong sa paggawa ng mga panukalang batas ay nakakadagdag lamang sa masamang impresyon ng publiko sa Kamara.
Aniya, hindi naman balakid sa trabaho ng mga mambabatas ang pagdalo sa plenaryo at mga pampublikong pagdinig dahil tatlong araw lang naman ang sesyon ng Kongreso at may sapat na araw pang nalalabi ang mga ito para naman asikasuhin ang pangangailangan ng kanilang mga ka-distrito.
Sinabi ni Cerilles na ang pagpapataw ng kaparusahan sa mga tamad na kongresista ay naglalayong ireporma ang Mababang Kapulungan ng Kongreso at hindi upang pabanguhin ang imahe ng institusyon.
Naniniwala siya na papuri at paggalang ang tatanggapin ni Speaker Jose de Venecia kung ipapatupad nito ang "disciplinary action" sa mga kongresistang idolo si "Juan Tamad."
Ayon pa dito, hindi na rin umano kailangan ang pagsasagawa ng mga tinaguriang marathon session at makakatipid pa ang institusyon, kung makukuha lamang ng Kamara ang kinakailangang quorum para makapagpasa ng panukalang batas.
Aminado si House Majority leader Prospero Nograles na malaking problema pa rin ng House leadership ang quorum.
Ani Nograles, trabaho ng mga mambabatas na magpasa ng mga national at local measures kahit walang kasiguraduhan na papasa ang mga ito sa Senado.
Pabor ang karamihan na tapyasan ang sahod ng mga kongresistang pala-absent at humiling na muling ilathala sa mga pahayagan ang kanilang mga pangalan. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended